Skip to main content

Ibahagi ang inyong saloobin tungkol sa bagong programa ng Bike or Scooter Share na darating sa San Mateo County!


Ano ang Bike and Scooter Share?

Ang Bike and Scooter Share ay tumutukoy sa mga bisikleta, bisikletang de-koryente, at mga iskuter na maaaring hiramin bilang bahagi ng isang programang sariling-serbisyo ng pag-upa ng mga ito. Ang mga gagamit ng programang ito ay puwedeng magreserba at magbayad para sa serbisyong ito upang marating nila ang malapit-lapit na destinasyon o sa mga hintuan ng mga sasakyang pampubliko. Ang mga programang Bike and Scooter Share ay kadalasang nakikita sa mga aklatan, shopping center, hintuan ng mga pampublikong sasakyan, at iba pang mga pampubliko at pribadong pook at destinasyon. Nakapagdudulot sila ng isang masaya, masigla, at iwas-trapikong paraan sa biyahe na nagbibigay ng lusog at panatiling sa ating pamayanan at kapaligiran.

Ang Bike and Scooter Share ay darating na sa mas marami pang mga pamayanan sa San Mateo County. Nais po naming marinig ang inyong mga pangangailangan at kagustuhan ukol dito.

Ang City/County Association of Governments (C/CAG) ng San Mateo County ay maglulunsad ng isang pilot program ng Bike Share at Scooter Share. Nais po naming maunawaan ang inyong mga pangangailangan at pananaw upang kami’y makapagdisenyo ng pinakamainam gumanang programa para sa inyo'ng pamayanan.

Ang C/CAG, sa isang pakikipagtulungan sa Silicon Valley Bicycle Coalition, mula Disyembre 2023-Pebrero 2024, ay tumawag sa mga residente, manggagawa, at bisita ng Daly City, Broadmoor, Colma, Redwood City at North Fair Oaks (ito'y magiging parte ng pinakaunang bahagi ng programa) upang higit naming maunawaan ang mga pangangailangan ng inyo'ng pamayanan. Ang C/CAG po ay pagtutuluyang kokolektahin ang inyo'ng mga katugunan sa pamamagitan ng mga sarbey, aktibidad sa pagmamapa o sa email gamit ng birtuwal hanggang Oktubre 1, 2024.

Sino ang C/CAG?

Ang C/CAG, o City/County Association of Governments (C/CAG) of San Mateo County, ay kumikilos sa mga isyu na nakakaepekto sa kalidad ng buhay sa San Mateo County: transportasyon, kalidad ng hangin, pagpaplano sa gamit ng lupa, mga peligrosong basura, pagpaplano ng klima, enerhiya, pag-aaring yamang tubig, at pamamahala ng basura. Ang C/CAG ay tumatakbo bilang Joint Powers Authority at kasama sa mga kasapi nito ang bawa’t isa sa dalawampung lungsod at ang County ng San Mateo County. Bisitahin po ninyo ang Bike and Scooter Share project website ng C/CAG.

Contact Us

For more information, contact Kim Wever, Transportation Program Specialist at C/CAG at: kwever@smcgov.org.